Bumaba na sa 13.1% lamang ang seven-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Sa datos ng OCTA Research Group, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, nabatid na mula sa dating 14.5% noong Disyembre 14, bumaba na sa 13.1% ang Covid-19 positivity rate noong Disyembre 20.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsyento ng mga tao na nagpositibo sa Covid-19, mula sa bilang ng mga taong sinuri laban sa sakit
Samantala, bumaba rin naman ang reproduction number sa NCR sa 0.91.
Ang reproduction number ay tumutukoy naman sa bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyente ng virus. Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang bumabagal na hawahan ng virus.
Samantala, ang 7-day average ng mga bagong kaso ng sakit ay nabawasan na rin ng mula 447 ay naging 404, o may growth rate na -10% lamang.
"7-day positivity rate in the NCR decreased from 14.5% (Dec 13) to 13.1% (Dec 20). The reproduction number in the NCR decreased to 0.91. The 7-day average of new cases decreased from 447 to 404, a growth rate of -10%," tweet ni David.