Naging kapana-panabik ang tapatang Argentina at France sa naganap na 2022 FIFA World Cup Finals sa Lusail Stadium, Qatar, Disyembre 19, 2022 (Manila time).

Matapos ang 36 na taon, nasungkit muli ng Argentina ang kampeonato sa pangunguna ng kapitan na si Lionel Messi, na siyang naka-goal ng dalawang beses.

Lumaban ang France sa pangunguna naman ni Kylian Mbappe na nagpamalas pa ng hat-trick. Mula sa 2-0 down at 3-2 down sa extra-time, naitabla ang laban sa iskor 3-3 at dalhin ang laro sa isang penalty shoot-out kung saan nagtapos ang laban sa iskor na 4-2.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa panalong ito ng Argentina, nakabawi sila sa France na siya ring nakatapat nila sa World Cup taong 2018.

Hindi naging madali para sa koponan ang maipanalo ang World Cup ngayong taon. Matatandaang talo ang Argentina sa kanilang opening game laban sa Saudi Arabia at bagama’t marami ang nagdududa, pinatunayan ni Lionel Messi na isa siya sa pinaka-mahusay na sa larangan ng football ngayong mayroon na siyang panalo sa international level.

Sa isang panayam naman, nabanggit ng 35-year-old na manlalaro na hindi pa siya magreretiro.

“I will not retire. I want to continue playing as a World Cup champion,” aniya.

Ang panalo ng Argentina laban sa France ay ang kanilang ikatlong titulo sa kasaysayan ng World Cup.