Halos₱10 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nahuli ng mga awtoridad sa sunud-sunod na operasyon sa Quezon kamakailan.

Sa unang anti-drug operation sa Purok Daus, Barangay Poblacion 61, Real nitong Disyembre 13 dakong 11:57 ng gabi, inaresto ng mga tauhan ngProvincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon, Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC), Provincial Intelligence Unit (PUI)-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency in Quezon (PDEA-4A), at Real Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, ang suspek na siJomer Lucera Nera, alyas "Palits."

Kumpiskado sa suspek ang₱1,222,980 halaga ng shabu, cocaine na nagkakahalaga ng₱950,502.00 at marked money.

Dinakip naman ng mga tauhan ngPDEU Quezon Police Provincial Office (QPPO), PDEA 4A-Quezon at Lucena City Police Station, Intel/Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang isa pang suspek na si Jasmin Dagohoy Abueg, 40, alyas Ma'am Tess" sa Purok Villa Sante, Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City dakong 9:40 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasamsam sa kanya ang₱7,775,100 halaga ng cocaine, buy-bust money at isang sling bag.

Nahaharap na na sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Philippine News Agency