Abot-abot ang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta kasunod ng pagkilalang natanggap sa kamakailang The Entertainment Editors’ Choice Awards.

Iginawad sa batikang aktres ang “Female Icon” Awards.

Dagdag ni Mega, isang malaking karangalan ang naturang pagkilala.

“I will treasure this forever and will be inspired by it to only do much better in both my work and my life. God bless you always and more power to you po!!!🙏🏻🙌🏻❤️🥰” mababasa sa Instagram post ni Mega, Martes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa hiwalay na Instagram post, kinilala rin bilang ‘Outstanding Movie Queen/Singer Performer of the Year” si Shawir ng Gawad Dangal Filipino Awards.

“Oh, my!!! Maraming, maraming salamat po, Gawad Dangal Filipino Awards sa karangalang ito!!! Mabuhay po kayo and God bless you always!!! I will treasure this forever,” ani Mega.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang followers at kapwa aktor na si Jackie Lou Blanco.

“Congratulations Mama!!!” aniya.