Lalo pang pinaigting ng gobyerno ang kampanya laban sa pagpupuslit ng agricultural products sa bansa matapos magsanibng puwersa ang Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kamakailan.
Sa isang pahayag, binanggit ni DA Assistant Secretary James Layug, layunin ng hakbang ng ahensya na maprotektahan ang mga lokal na negosyante at mamimili laban sa illegal na pagpasok sa bansa ng produkto.
Nitong Nobyembre 18 aniya, naharang ng mga tauhan ng DA-Wide Field Inspectorate, Bureau of Plant Industry, PCG at PNP-CIDG ang 105 sako ng puslit na dilaw na sibuyas na nagkakahalaga ng₱225,000 sa Divisoria sa Maynila, Mutya ng Pasig market at sa Balintawak.
Wala aniyang suplay ng puti o dilaw na sibuyas ang bansa mula pa nitong Hulyo dahil walang inilalabas permit ang ahensya para umangkat nito.
Tiniyak pa nito na puslit o palusot lang ang lahat ng kahalintulad na sibuyas sa merkado sa bansa.