Hindi bababa sa siyam na illegal gamblers ang naaresto sa anti-gambling operation na inilunsad ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Ana, Maynila, nitong Huwebes, Nobyembre 24.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joseph Ryan Talabong, 31; Marlon Roque Constantino, 44, barangay tanod; Jan Eirol Baculi Loro, 21; Define Dela Cruz, 25; Erwin Dela Cruz Encarnacion, 31; Alvine Villarin Revollyedo, 43; Luisito Lobo Jr. Torres, 334; Jackielyn Delloro Sicad-sicad, 33; at Maria Melody Tondo Barsaga, 36, lahat ay residente ng Sta. Ana, Manila.

Inaresto ang mga naturang suspek dahil sa paglalaro ng "cara y cruz" sa Pasig Line St. sa Barangay 777, Zone 85, Sta. Ana, dakong 2:45 ng umaga.

Nakuha ng mga pulis ang bet money sa mga suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1602 o anti-illegal gambling law.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Jaleen Ramos