Tatangkain ng Barangay Ginebra San Miguel na makatuntong sa ikalawang puwesto sa playoff laban sa Blackwater Bossing sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes ng hapon.

Nasa ikaapat na puwesto ngayon ang Gin Kings, 5-2, panalo at talo, sa likod ng nangungunang Magnolia Timplados Hotshots (8-1) at Bay Area Dragons (8-2).

Dakong 5:45 ng hapon, magsisimula ang laban ng Ginebra at Bossing na nanganganib na mawala sa kontensyon dahil sa rekord na 3-7.

Inaasahang hindi bibigyan ng pagkakataon ng Gin Kings ang Blackwater.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Hindi maglalaro sa Bossing sina Troy Rosario, JVee Casio at Base Amer dahil sa injury.

Katulad ng inaasahan, aasa si Ginebra coach Tim Cone kina resident import Justin Brownlee, Jamie Malonzo at Scottie Thompson.

Bago ang salpukan ng Gin Kings at Bossing, lalabanan ng NLEX Road Warriors ang Terrafirma Dyip dakong 3:00 ng hapon.