Malabong maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.

Sa abiso ng PAGASA, huling namataan ang LPA 200 kilometro timog-timog silangan ng General Santos City, South Cotabato.

"This is also outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) and is embedded along the Intertropical Convergence Zone (ITCZ). It has a slim chance to develop into a tropical cyclone within 24 hours," sabi ni weather specialist Daniel James Villamil.

Gayunman, sinabi ni Villamil na lumalapit na kalupaan ng Mindanao ang LPA kaya inaasahang ang malakas na pag-ulan sa lugar.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Maapektuhan din ng LPA angEastern at Central Visayas, Bicol Region at Palawan.

Makararanas naman ng kalat-kalat na pag-ulan sa Quezo,Aurora, Isabela at mainland Cagayan bunsod naman ng tinatawag na shear line.

PNA