Nakatakda nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang “Register Anywhere Project” (RAP) sa limang piling mall sa National Capital Region (NCR) sa Disyembre.

Nilinaw ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, isasagawa ang proyekto tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 29, 2023.

Gayunman, wala aniyang registration na magaganap sa Disyembre 24, 25 at 31, 2022, gayundin sa Enero 1, 2023.

Aniya, hindi pa nila natutukoy ang limang mall na pagdarausan ng RAP.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi nito na ang sinumang kuwalipikadong aplikante na naninirahan sa Pilipinas ay maaaring magparehistro sa RAP booths sa designated NCR mall sa isasagawang pilot period.

Kailangan lamang aniyang magsumite ng application form, documentary requirements, at magpakuha ng biometrics on-site.