Tuluyan nang sinuspindi ng Brooklyn Nets ang point guard na si Kyrie Irving dahil sa anti-semitic social media post nito kamakailan.

Sa pahayag ng Nets, hindi nila susuwelduhansi Irving sa panahon ng kanyang suspensyon.

Nag-ugat ang usapin sa kontrobersyal na tweet ni Irving nitong nakaraang linggo kung saan mistulang sinusuportahan nito ang isang documentary film na batbat ng anti-semitic beliefs.

Ikinatwiran ng pamunuan ng Brooklyn Nets, ilang beses na nilang kinausap si Irving upang ipaalala ang posibleng maging kahihinatnan ng kanyang naging pahayag at aksyon matapos i-post sa social media ang nakababahalang anti-semitic hate.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

"Kyrie refused to unequivocally say he has no antisemitic beliefs, nor acknowledge specific hateful material in the film. This was not the first time he had the opportunity — but failed — to clarify," ayon sa Brooklyn Nets management.

"Accordingly, we are of the view that he is currently unfit to be associated with the Brooklyn Nets.We have decided that Kyrie will serve a suspension without pay until he satisfies a series of objective remedial measures that address the harmful impact of his conduct and the suspension period served is no less than five games," sabi pa ng Nets.

Ipinataw ang suspensyon kasunod ng pagkadismaya ni NBA Commissioner Adam Silver nang hindi man lang humingi ng paumanhin ng nasabing manlalaro.

Pinag-iisipan na ni Silver na ipatawag si Irving sa susunod na linggo upang maayos ang sitwasyon.

Nitong nakaraang linggo, ipinost ni Irving ang isang link na may kinalaman sa isang pelikulang"Hebrews to Negroes: Wake Up Black America" noong 2018, na inulan ng mga batikos dahil halaw lang ito sa isang libro na puno ng anti-semitic disinformation.

Matatandaangnaging kontrobersyal na rin si Irving at hindi pinalaro ng koponan matapos tumangging magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 at tinawag na "pinakamalaking paglabag sa karapatang-pantao ang pagbabakuna."