Isang dating commissioner ng National Telecommunications Commission (NTC) ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang chairman ng Commission on Audit (COA).

Kinumpirma naman ni Supreme Court (SC) public information chief Brian Keith Hosaka, na pinanumpa na ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo siGamaliel Cordoba sa kanyang bagong tungkulin.

Hahalili si Cordoba sa dating solicitor general na si Jose Calida na nagbitiw sa puwesto kamakailan dahil sa kanyang kalusugan.

Matatandaangitinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Cordoba bilang pinuno ng NTC na nagbabantay sa serbisyo ng mga telecommunications company sa bansa.

National

Rep. Ortega, sang-ayon kay SP Chiz na ‘di dapat magkomento mga senador sa impeachment

Noong 2009, itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Cordoba bilang commissioner ng NTC.

Dati ring naging director ngPhilippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) si Cordoba.