Nagpaplano ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng voters’ registration activities sa ilang opisina ng gobyerno at pribadong entity.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tinanong na niya si Comelec Director Teopisto Elnas kung magiging posible ang planong ito sa ilalim ng programang “Register Anywhere” ng poll body.

“Ang sabi ko sa kanya, gusto ko mag sample din tayo ng ilang government agencies. Dalhin natin doon ang mga makina natin, magparehistro tayo,” ani Garcia sa isang press briefing kamakailan.

“Halimbawa, dalhin din natin sa ibang private entities…magparehistro para sa mga hindi pa nagpaparehistro,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naniniwala si Garcia na ito ay isang paraan para matugunan ang mahabang linya sa mga voters’ registration venues gaya sa mga opisina ng Comelec at mahikayat ang mas maraming tao na magparehistro.

Sa paggawa ng naturang inisyatiba, sinabi ni Garcia na maaaring makita ito ng publiko bilang isang "welcome development."

“Naniniwala naman ako na yung mga makabagong pamamaraan na ganito ay isang welcome development sa ating mga kababayan,” aniya.

Noong nakaraan, ginamit din ng Comelec ang mga shopping mall bilang satellite registration sites para makaakit ng mas maraming Pilipinong karapat-dapat na magparehistro para makasali sila sa mga aktibidad sa halalan.

Noong unang bahagi ng buwang ito, inihayag ng poll body na sisimulan na nito ang pilot testing ng “Register Anywhere” system sa National Capital Region (NCR).

Ang programang ito ay magbibigay sa mga nagpaparehistro ng “kaginhawaan ng pagpaparehistro sa isang mall na kanilang pinili (sa panahon ng pilot test, sa loob ng NCR) kung saan ang isang offsite o satellite registration ay ginaganap, kahit na ang nasabing mall ay matatagpuan sa isang lungsod o munisipalidad maliban sa kanilang lungsod o munisipalidad ng kanilang tirahan,” the Comelec said.

Ang poll body ay nagnanais na ipagpatuloy ang mga aktibidad sa pagpaparehistro ng mga botante sa susunod na buwan.

Analou de Vera