Matapos matalo ng Ginebra kamakailan, namuwersa na ang guest team na Bay Area Dragons makaraang pulbusin ang San Miguel, 113-87, sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.

Naging solido ang performance ni dating NBA player Andrew Nicholson sa nakolektang 39 puntos, 12 rebounds, dalawang assists, dalawang steals atr isang block para sa Dragons.

Hindi na pumayag ang Bay Area na maulit ang nalasap na pagkatalo sa Gin Kings, 111-93, na pumutol sa kanilang 4-game winning streak.

Sinamantala ng Dragons ang pagkawala ng MVP na si June Mar Fajardo dahil sa throat injury.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sumuporta kay Nicholson sinaHayden Blankley na mayroong 17 puntos at siyam na rebounds,Zhu Songwei at Kobey Lam, kapwa naka-16 puntos, atLiu Chuanxing na kumubra ng 12 puntos at 10 rebounds.

Pinamunuan naman ni CJ Perez ang Beermen sa nahakot na 19 puntos.

Hawak na ng Dragons ang 5-1 kartada habang nahulog naman ang San Miguel sa 1-2, panalo at talo.