PANGASINAN - Patay ang isang Nigerian matapos barilin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Barangay Mancup, Calasiao nitong Sabado ng madaling araw.

Dead on the spot ang biktimangkinilalang pulisya na siChristopher Clark, 32, may-asawa, at taga-Brgy. Malabago, Calasiao, dahil sa mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa report ng Police Regional Office 1 (PRO1), dakong 1:15 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa lugar nang hintuan umano ito ng isang kotse na sakay ang mga hindi nakikilalang lalaki.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Bigla na lamang umanong pinagbabaril ng mga lalaking sakay ng kotse at kaagad silang tumakas matapos ang pamamaril.

Sa salaysay naman ng asawa ng biktima, kaagad na umalis sa kanilang apartment ang banyaga matapos makatanggap ng tawag sa telepono.

Narekober ng mga awtoridad ang pitong basyo ng bala ng Cal. 45 pistol at isa pang bala ng Cal. 9mm sa pinangyarihan ng krimen.

Sinisiyasat pa rin ng pulisya ang kaso.