ISABELA - Tatlo ang kumpirmadong nasawi matapos mahuog ang sinasakyang sports utility vehicle sa isang irrigation canal sa Ramon kamakailan.

Sa police report, nakilala ang tatlo na sinaRuel Galut, Junior Budilla, 36, at Zyra Janine Galut, 13, pawang taga-Pinto, Alfonso Lista, Ifugao.

Sa pahayag ni Isabela Provincial Police Office chief, Col. Julio Go, ang insidente ay naganap sa Barangay Ambatali nitong Miyerkules ng gabi.

Mabilis umano ang takbo ng sinasakyan ng tatlo nang mawalan ng kontrol ang driver hanggang sa dumiretso ito sa irrigation canal.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

May teorya ang pulisya na nalunod ang tatlo nang makulong sa sasakyan habang nasa ilalim ng tubig.