May mensahe ang komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kay dating Vice President Leni Robredo nang makarating ang huli sa Estados Unidos upang gampanan ang tungkulin bilang isa sa mga Hauser Leaders ng Harvard Kennedy School.

Sa isang tweet ni Diaz nitong Huwebes, Oktubre 6, sinabi niyang medalya ng Pilipinas si Robredo.

"Mag-ingat po kayo lagi, Atty. Leni! Medalya po kayo ng Pilipinas!" aniya.

"Ay! Teka, baka mag-react ang mga trolls. Para po sa mga “fans” niyo," dagdag pa nito.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

https://twitter.com/ogiediaz/status/1577836644421754886

Matatandaang isa si Robredo sa mga napili na maging isa sa mga Hauser Leaders ng Harvard Kennedy School. 

Pagbabahagi ni Robredo noong nakaraang buwan, hindi siya mananatili ng buong fall semester sa Cambridge, Massachusetts para mapamunuan pa rin ang Angat Buhay.

“Sandali lang naman ako mawawala. Nakiusap po ako na hindi po ako pwedeng entire semester. So nandun po ako mula October hanggang December. Pero uuwi ako dito ng November. Merong break in between na nandito ako uuwi ako,” aniya.

Bilang isa sa mga napiling kapita-pitagang lider mula sa iba’t ibang parte ng mundo, si Robredo ay inatasang magbigay ng lecture at makipagtalastasan sa Harvard community kabilang na rito ang mga estudyante, faculty at alumni.

Pangako naman ni Robredo na siya pa rin ang mamamahala sa Angat Buhay sa kabila ng abalang schedule.

“Mag-schedule tayo ng maraming events sa museum [Museo ng Pag-asa] when I’m here. Pero I will be on top of everything. Ngayon, araw-araw ako nag-oopisina. Pero kahit nandon ako, I will be top of everything kahit ano na lang, reels of YouTube, makikita niyo ‘ko,” pagtitiyak ni Robredo.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/09/05/robredo-3-buwang-magtuturo-sa-harvard-pamumunuan-pa-rin-ang-angat-buhay-habang-nasa-us/