Para kay labor leader at dating presidential candidate na si Ka Leody de Guzman, malinaw ang dulot ng climate change, hindi lang sa bansa, ngunit maging sa buong mundo. Kaya panawagan niya na agarang isulong ang renewable energy.

Sa isang pahayag, sinabi ni de Guzman na kaisa siya ng mga tao sa buong mundo na nananawagan na itigil na ang fossil fuel at lumipat na sa renewable energy.

"Nais ko pong ipahayag ang aking pakikiisa sa milyung-milyong mamamayan ng bawat bansa at mga siyentipiko sa panawagang itigil na ang ating paggamit ng fossil fuel at tayo na ay lumipat sa renewable energy kung nais natin isalba sa ganap na pagkawasak ang ating nag-iisang planeta," anang labor leader.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/LeodyManggagawa/status/1574368194722091009?s=20&t=Se2453uSiBbFt9gJ7yUMxw

Dagdag pa niya, hindi na dapat pa umaasa ang mga Pilipino sa mga ginagawa ng gobyerno dahil umano ay nangingibabaw dito ang personal na intensyon.

Aniya, isang halimbawa na ang Bagyong Karding sa kung ano ang dulot ng climate change sa bansa ngunit ay "patuloy ang pagbubulag-bulagan" ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

"Iyon po ang ating gawin at huwag tayong umasa sa mga hakbang at solusyon na ginagawa ng iba't ibang opisyal ng pamahalaan dahil ang lahat ng ito ay nakapatungkol sa business, as usual, at hindi para totoong harapin ang problema ng klima. Renewable energy, ngayon na!"