Isang kakaibang pakulo ang ginawa ng isang guro mula sa Cabanatuan City matapos i-customize ang silid-aralan nito sa temang "boho," nang sa gayon ay lalong gaganahan ang mga estudyante na pumasok sa paaralan.
Flinex ni Ginang Gina C. Santos, guro sa Caalibangbangan Integrated School, sa kanyang Facebook account ang aesthetic classroom niya na siya mismo ang nag-isip ng ideya.
"I prefer to have the boho theme kasi na hook din ako sa pagbili ng mga gamit na aesthetics, pleasing to the eyes ang motiff na beige and brown and the boho paintings and designs ay usually sa bahay natin nakikita lang, in-adapt ko siya sa classroom para ang classroom will not be just a typical classroom but a classhome as well," ani Santos sa ekslusibong panayam ng Balita Online.
Dagdag pa niya, personal designs ang makikita sa clasroom dahil maging ang mga posters na disenyo ay hindi galing Google bagkus ay ipina-pinta pa niya galing sa mga personal niyang disenyo.
Aniya, "All the displays are my own ideas, my personal designs para maisunod ko siya sa theme. Ang mga posters are not the ones taken from Google, kaya 'yung mga nakita niyo sa pictures mostly ay painted na sa wall, nag-hire ako ng painter to draw them. Hindi talaga 'yun ang mga posters na mase-search sa Google, i personally designed them."
Maging ang mga ginastos niya dito ay galing sa sarili niyang bulsa at talaga namang pinaglaanan niya ng oras at panahon ang pag-customize ng kanilang silid-aral..
Kaya naman hiling niya sa kanyang mga mag-aaral na sana ay maramdam ang mga ito ng sigla at saya sa pagpasok sa paaralan ngayong face-to-face na ang mga klase.
"For my students, it’s my joy and great pleasure to provide you a new classroom set-up like this as I welcome you back this school year for the implementation of face-to-face classes. As you go to school, I would like you to feel the joy and excitement of coming to class everyday that’s why Im doing all the means and ways to provide you a welcoming atmosphere, a comfortable place to stay in school and a conducive environment for your learning," ani Santos.
"May this be an inspiration and an encouragement for you to strive more in your studies and to have more meaningful learning experience. Ginawa ko ito para sa inyo."