Matapos maispatan ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa soft launching ng ALLTV kamakailan, naging usap-usapan kung isa na rin ba siya sa mga lumipat sa bagong network. 

Gayunman, pinabulaanan na ng aktres ang mga usap-usapang lumipat na siya. 

Sa isang Instagram post, nagkomento ang isang netizen na mamimiss niya si Ruffa dahil 'star' na raw siya ng bagong channel.

"Ruffa G, I will miss you na kasi I heard star ka ng new channel."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sinagot naman ito ng aktres, aniya wala raw siyang exclusive contract sa anumang network.

"I am a freelance. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone."

Samantala, nilinaw rin ng aktres ang dahilan kung bakit hindi na siya napapanood sa showtime. 

"Hindi ko iniwan ang @itsshowtimena. I'm on vacation po," sagot niya sa isang netizen na nagkomento sa hiwalay na Instagram post.

Kasalukuyan ngayong nasa Italy si Ruffa kasama ang anak na si Venice.