Posibleng mag-landfall ang bagyong 'Karding' sa Isabela sa Linggo ng umaga.

Sa abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, bago ang inaasahang pagtama ng bagyo, makararanas muna ng matinding pag-ulan sa Northern at Central Luzon sa Sabado.

Binalaan din ng ahensya ang mga residente sa mga tinukoy na lugar dahil sa malakas na hangin ng bagyo.

Sa pagtaya ng PAGASA, hahagupitin ng bagyo ang silangang baybayin ng Isabela o Cagayan sa Setyembre 25 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pagkatapos nito, tatahakin ng bagyo ang kabundukan ng northern Luzon bago dumaan sa West Philippine Sea sa Lunes.

Huling namataan ang bagyo 1,320 kilometro sa silangan hilagang silangan ng norhern Luzon, taglay ang hanging 65 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 80 kph.