Tumama sa Taiwan ang 6.9-magnitude na lindol noong Linggo, Setyembre 18-- pangalawa sa pinakamalakas na lindol, na naitala noong 1999.

Ang nasabing lindol ay sumira ng mga kalsada at nagbagsakng ilang bahay sa bayan ng Yuli kung saan hindi bababa sa isang tao ang namatay.

Apat na katao naman ang na-rescue sa bumagsak na building habang nasa 146 ang bilang ng sugatan, ayon sa awtoridad.

Sa ulat ng Agence France-Presse nitong Lunes, Setyembre 19, tumama ang aftershocks sa timog silangan ng Taiwan, kabilang ang 5.5 magnitude na lindol na naramdaman sa kabisera ng Taipei, isang araw matapos ang pagyanig.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang pinakahuling lindol ay tumama bandang alas-10 ng umaga, 66 kilometro ng timog-timog kanluran ng coastal city ng Hualien sa lalim na 13 kilometro, ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Inilagay ng central weather bureau ng Taiwan ang magnitude sa 5.9.

Ang Taiwan ay regular na tinatamaan ng mga lindol at karamihan ay nagdudulot ng kaunting pinsala ngunit ang isa ay mayroong din mahabang kasaysayan ng nakamamatay na mga sakuna.

Ang Hualien, isang tourist spot, ay tinamaan ng 6.4-magnitude na lindol noong 2018 na ikinamatay ng 17 katao at ikinasugat ng halos 300.

Noong Setyembre1999, isang 7.6-magnitude na lindol ang pumatay sa humigit-kumulang 2,400 katao.

Agence France-Presse