Bukas na ang online application ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) Gradate School para sa kanilang Graduate School Entire Examination (GSEE) sa unang semestre para sa Academic Year 2022-2023.

Sa anunsyo nitong Sabado, Setyembre 17, ang sumsusnod ang labinlimang bagong programa na inaalok ng PUP Grad School sa pagbubukas ng taong pang-akademiko.

  • Doctor of Philosophy in Communication
  • Doctor of Philosophy in Economics
  • Doctor of Philosophy in English Language Studies
  • Doctor of Philosophy in Filipino/Doktor ng Pilosopiya sa Filipino
  • Master of Arts in English Language Studies
  • Master of Arts in Philippine Studies
  • Master of Arts in Philosophy
  • Master of Arts in Sociology
  • Master of Science in Biology
  • Master of Science in International Tourism and Hospitality Management
  • Master of Science in Mathematics
  • Master of Science in Mechanical Engineering
  • Master of Science in Nutrition and Dietetics
  • Professional Science Masters in Railway Engineering Management
  • Graduate Diploma in Project Management

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hinihikayat ang mga nais mag-enrol na bisitahin ang official website PUPGS para sa application procedure at iba pang requirements.

Maaari ring magpadala ng mensahe via [email protected] o tawagan ang PUPGS Registrar sa mga numerong at 5335-1787 local 371 mula Lunes hanggang Biyernes para sa mga karagdagang tanong.

Maliban sa 15 bagong programa, patuloy ding iniaalok ang mga existing Graduate programs sa unibersidad.