Inaasahang lalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Martes ang bagyong 'Inday' na nananatili pa rin sa dulo ng northern Luzon nitong Linggo ng gabi.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), lalakas pa ang bagyo nitong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga.

Huling namataan ang bagyo 360 kilometro ng hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay pa rin nito ang hanging 165 kilometers per hour (kph), kasama ang bugso na hanggang 205 kph malapit sa gitna. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kasalukuyang kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Paiigtingin pa rin ng bagyo ang southwest monsoon o habagat na magpapaulan sa Batanes at kanluran ng Central at Southern Luzon sa susunod na 24 oras, ayon pa sa PAGASA.