Muling lumobo ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa matapos maitala ang 3,165 na bagong nahawaan nitong Sabado.
Dahil dito, umabot na sa 3,904,133 ang kaso ng sakit sa Pilipinas mula nang maitala ang unang tinamaan nito noong 2020, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Setyembre 10.
Tumaas naman sa 26,074 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.
Katulad ng inaasahan, nakapagtala pa rin ng mataas na kaso ng sakit ang Metro Manila, Calabarzon (Region 4A), Central Luzon, Western Visayas at Davao Region.
Nasa 3,815,771 naman ang nakarekober sa virus matapos maitala ang dagdag na 1,287 nitong Sabado.
Siyam naman ang naidagdag na namatay sa Covid-19 sa bansa kaya umabot na ito 62,288.