Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa red tide ang ilang coastal areas sa Samar kamakailan.

Sa abiso ng BFAR, kabilang sa apektado ng paralytic shellfish poisoning (PSP) ang San Pedro Bay sa Basey, at Matarinao Bay na sakop ngGeneral MacArthur, Hernani, Quinapondan at Salcedo sa Eastern Samar.

Nagpositibo rin sa red tide ang bahagi ng karagatan saGuiuan, Eastern Samar.

Sinabi ng ahensya na nakitaan ng red tide toxin ang mga sample na nakuha sa mga nasabing lugar matapos isailalimsa laboratory examination.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Kaugnay nito, ipinagbabawal muna ng BFAR ang paghango, pagbili at pagkain ng anumang klase ng shellfish, alamang o hipon sa mga natukoy na lugar.

Gayunman, nilinaw ng ahensya na maaaring kainin ang mga isda, pusit, at alimango na hinahangosa mga nasabing lugar basta linisin muna nang mabuti bago lutuin.