May 22, 2026

Home BALITA National

‘I felt betrayed!’ Ramil Madriaga, naramdamang trinaydor ni VP Sara

‘I felt betrayed!’ Ramil Madriaga, naramdamang trinaydor ni VP Sara
Photo courtesy: MB

Ibinahagi ng nagpakilalang “bagman” at “aide” noon ni Vice President Sara Duterte na si Ramil Madriaga ang tila naramdaman daw niyang pagtataksil ng Bise Presidente sa kaniya dahil sa hindi pagpigil ng huli kay dating Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque na sampahan siya ng kasong kidnapping. 

Matatandaang inilahad sa publiko ni Roque noong Disyembre 11, 2025, na kilala raw mismo niya si Madriaga at sigurado raw siya na hindi naging aide noon ni VP Sara ang nasabing indibidwal.

Ani Roque, mayroon daw noong kasong kinakaharap si Madriaga at siya mismo ang personal na naghawak nito.

Dalawang kaso raw na may kaugnay sa kidnapping for ransom ang kinakaharap ni Madriaga at nakabinbin sa hukuman. 

“Ang kaso po ay two counts of kidnapping for ransom. Now, syempre po, ‘yan ay nabinbin sa hukuman. Hindi natin puwedeng sabihin kung siya ay guilty or not guilty dahil hindi pa po napapatunayan,” saad ni Roque. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

KAUGNAY NA BALITA: 'Black propaganda?' Roque, dinepensahan si VP Sara sa nagpakilalang ‘aid’ nito

Ayon naman sa naging pagdalo ni Madriaga sa pagdinig ng House Committee on Justice nitong Martes, Abril 14, 2026, isinalaysay niya sa kaniyang sinumpaang affidavit na naramdaman daw niyang pinagtaksilan siya ni VP Sara sa kabila ng ginawa niyang pagsuporta sa huli at pamilya nito. 

“More importantly, I felt betrayed that despite all my efforts to support Sara - to the extent of even committing high-risk acts for her and her family,” saad ni Madriaga sa ika-80 na talata ng kaniyang supplementary affidavit. 

Pagpapatuloy niya, hindi raw kasi naggalaw kahit ng daliri si VP Sara para pigilan noon si Roque sa pagsasampa ng kasong kidnapping laban sa kaniya. 

“[S]he did not lift a finger to stop Atty. Roque, who is her known ally and supporter, from filing the unfounded kidnapping case against me,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na tugon, reaksyon, o pahayag si VP Sara kaugnay sa sinabing ito ni Madriaga. 

KAUGNAY NA BALITA: Ramil Madriaga, nanindigang personal siyang kilala ni VP Sara

KAUGNAY NA BALITA: Ramil Madriaga isiniwalat na mahina, bayolente sa law school noon si VP Sara