Nagbahagi si Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin ng ilang halimbawa at paglilinaw sa aniya’y dahilan kung bakit umano nakasentro sa iilang mga sektor lamang ang pamimigay ng tulong-pinansyal o ayuda sa gitna ng sumisirit na presyo ng produktong petrolyo.
Sa ikinasang press briefing ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Martes, Abril 14, inilahad ni Garin ang umano’y pagkakaiba-iba ng epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa bawat Pilipino.
“This was discussed kasi earlier ano. Why is there a focus on the most vulnerable? Kasi halimbawa, compare mo ‘yong isang tao na kumikita ng ₱1,000 saka ₱100,000. The difference between the two when you increase the price of fuel, sa ₱100,000 siguro mababawasan as a percentage, maliit lang at walang malaking impact sa day-to-day niya. Siguro, baka bawasan niya ‘yong biyahe niya para hindi masyadong magastos sa diesel ano,” paliwanag ni Garin.
Aniya, “But on the other hand, a family that earns ₱1,000—just as an example—kung mag-increase ka ng fuel from ₱60-₱150, babawasan talaga hindi lang ‘yong biyahe [kung hindi pati ‘yong] pagkain, ‘yong kailangan ng pamilya nila na day-to-day, sa mga anak nila, even for their health.”
“So that’s why if the impact of the Middle East war—which was not caused by our country—is the increase on the price of fuel, the lowest decile will be even lower; there will be poorer and new poor pa,” dagdag pa niya.
Giit ng kalihim, naaapektuhan daw kasi ng mas maraming populasyon ng “poverty level” ang ekonomiya ng bansa.
“It’s to protect the lower income countries from becoming lower pa; and also not increase the number of low income countries,” anang kalihim.
Aniya, “Because at the grander scale of things, ang growth ng economy natin will be more affected kung mas marami po ang poverty level mo.”
Sabi pa ni Garin, maraming indibidwal ang nagsasabi sa kaniya na sila raw ay nagbabayad ng buwis, ngunit apektado pa rin sila ng pagtaas ng presyo ng langis.
“I think the government has to see it in a macro-level, hindi lang individual. Kasi kung dadami po ang ating poverty level, nag-iincrease siya[…] it won’t only affect those that have become sa poverty level natin. It will affect the whole country kasi, ‘yong growth ng whole country,” ani Garin.
Diin pa niya, “So, if you don’t cater first to those na mas nangangailangan, I think the disadvantage of that will be felt by everyone—whether you are a middle class, or upper, or lower ‘no.”
“Para hindi po ma-affect ‘yong buong ekonomiya, ng buong Pilipinas, mayroon talagang targeted subsidy to avoid worsening of the situation, and to avoid stagnation… So, baka mas marami pang problemang maco-cause kung hindi mo muna ayusin ‘yong most affected areas,” pagtatapos ni Garin.
Sa kabila nito, matatandaang inisa-isa naman ng Palasyo kamakailan ang anila’y programa ng pamahalaan para sa mga middle class Filipinos, bilang tugon pa rin sa pagtaas ng presyo ng krudo.
Ilan lamang sa mga ito ay ang libreng sakay at diskwento sa pamasahe sa mga piling transportasyon.
MAKI-BALITA: Sa pagtaas ng presyo ng krudo: Castro, inisa-isa mga programa para sa 'middle class'-Balita