Nabigo si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa inaasam-asam na gintong medalya matapos kapusin sa ISTAF Berlin sa Germany nitong Linggo.
Naka-silver medal lang si Obiena sa Olympiastadion sa Berlin matapos lundagin ang 5.81 metro sa ikalawa niyang pagtatangka.
Napitas ng karibal na si Menno Vloon (Netherlands) ang gold medal nang lagpasan nito ang 5.88 metro.
Ipinasyang laktawan ni Obiena ang 5.88 metro at tatlong beses na tinangkang abutin ang 5.95 metro, gayunman, nabigo pa rin ito.
"A few more competitions before we call it a season. Let’s keep pushing and keep fighting," pahayag ni Obiena sa kanyang Instagram post.
Nakapag-uwi naman ng bronze medal si AstralianKurtis Marschall.
Babalik sa aksyon s Obiena sa Golden Fly saLiechtenstein sa Setyembre 11.