Itataas ng NationalFood Authority (NFA) ang presyo ng palay na bibilhin nila sa mga magsasaka.

Ito ang tiniyak ni NFA Administrator Judy Dansal at sinabing naglunsad na sila ng programa para sa usapin.

Aniya, magiging ₱20 hanggang ₱21 na ang kada kilong bilihan nila ng palay mula sa dating ₱19 bawat kilo sa tulong na rin ng subsidiya ng mga mambabatas at local government unit (LGU).

Sa ilalim ng Palay Assistance Through Legislators and Local Government Units (PALLGU), naglalaan ng pondo ang mga mambabatas at mga LGU upang maitaas ang presyo ng binibili nilang palay na nasa kani-kanilang lugar.

National

1,479 examinees, pasado sa Dec. 2024 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Exam

"The legislators and LGUs will offer [an] additional amount to our existing buying price of P19 per kilo. The LGUs can allocate [a] certain amount depending on their capacity. Only P1 to P2 is coming from the LGUs or the legislators, and the P19 is coming from NFA," ayon sa opisyal.

Hindi lamang aniya matutulungan ng karagdagang pondo ang mga magsasaka kundi mapatatatag din nito ang imbak na bigas ng bansa.