Patay ang isang basurero nang makaladkad ng tren habang naglalakad sa riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Tondo, Manila nitong Linggo ng gabi.

Ang biktima ay kinilala lamang sa kanyang alyas na ‘Master,’ walang tiyak na tirahan at tinatayang nasa hanggang 45-anyos ang edad.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD), pasado alas-6:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa riles ng PNR sa Yuseco St., Tondo.

Nauna rito, naglalakad umano ang biktima sa riles at planong tumawid sana ngunit minalas na mahagip siya ng paparating na tren, na noon ay patungong norte.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Nakaladkad pa umano ng tren ang biktima ng may pitong metro ang layo, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Ayon sa pulisya, may nakapagsabi sa kanila na ang biktima ay may diperensiya sa pag-iisip at wala umano itong mga kaanak sa naturang lugar.