Natapos na ni dating senador at presidential candidate Manny "PacMan" Pacquiao ang kaniyang master's degree program sa Philippine Christian University.

Isinagawa ang commencement exercises sa Philippine International Convention Center (PICC) kahapon ng Sabado, Agosto 27. Natapos ni Pacquiao ang master's degree program niyang "Masters in Management, Major in Public Administration".

Ang misis na si Jinkee Pacquiao ang kasama niyang umakyat sa entablado upang tanggapin ang diploma.

"Never stop learning. Never stop growing! 👊🏼" saad sa caption ng Facebook page na "Team Pacquiao".

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Congratulations Manny Pacquiao on your Masters in Management Major in Public Administration!"

Natapos naman ni Pacquiao ang kaniyang Bachelor of Arts in Political Science Major in Local Government Administration sa University of Makati noong 2019.