Patay ang apat na construction worker matapos ambusin ng mga hindi nakikilalang lalaki sa Pikit, North Cotabato nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Kalid Selongan 28; Ray Benias, 47; William Cantonis, 41; at Darwin Cantonis, 28; pawang taga-Barangay Fort Pikit, Pikit, North Cotabato.

Sa pahayag naman ni Pikit Municipal Police chief, Maj. Maxim Peralta, dead on the spot ang apat dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Sa pagsisiyasat ng Pikit Municipal Police, pauwi na sana ang mga biktima, sakay ng motorsiklo matapos mangisda sa Brgy. Lagunde sa nasabi ring bayan nang pagbabarilin ng mga lalaki sa Brgy. Manaulanan, dakong 1:00 ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“Police recovered empty shells for M16 rifles at the crime scene,” pahayag ni Peralta.

Iniimbestigahan pa rin ang kaso upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.

PNA