Ginaya ni Momshie Jolina Magdangal ang sikat na Korean series character ngayon na si "Atty. Woo Young Woo" ng patok na "Extraordinary Atty. Woo" na napapanood ngayon sa Netflix.

Si Atty. Woo ay isang abogadong may mataas na IQ kahit siya ay may autism spectrum. Ginagampanan siya ng Korean star na si Park Eun-bin.

Umupo bilang hurado si Jolens para sa "Tawag ng Tanghalan" sa "It's Showtime" kasama nina Erik Santos at Louie Ocampo.

"Today’s TnT. Hulaan n'yo sino ang peg ko sa huling picture..🐋🐳" ayon sa IG post ni Jolens nitong Lunes, Agosto 15.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

"Ps: pasensya na po… super love her."

Marami naman sa mga netizen ang agad na nakahulang si Atty. Woo nga ang kaniyang peg.

Bago nito, may mga memes na kumalat sa social media na kamukha raw niya si Atty. Woo noong sinubukan niyang mag-bangs.