Isa na namang bagyo ang namataan sa labas ng Philippine area of responsibility nitong Miyerkules, ayon sa pahayag ng weather bureau ng gobyerno.

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 455 kilometro sa kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hanging 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"It may however change direction northwestward to the southeast region of China in the next 24 hours," sabi ni weather forecaster James Villamil.

Paglilinaw nito, maliit lamang ang posibilidad na tatama sa bansa ang bagyo.

Sa kasalukuyan, apektado ng habagat o southwest monsoon ang kanluran ng Northern Luzon.