Matapos ang malakas na pagyanig nitong nakaraang linggo, nilindol na naman ang bahagi ng Ilocos Sur nitong Linggo ng hapon.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismolpogy (Phivolcs), nasa magnitude 4.7 ang naramdaman sa Cabugao, Ilocos Sur, dako 1:49 ng hapon.

Lumikha rin ito ng lalim na dalawang kilometro at naramdaman ang lindol bilang Intensity V saDolores, Abra at Intensity IV sa Sinait, Ilocos Sur.

Naitala naman ang Intenstiy III saBantay, Ilocos Sur; Batac at Dingras, Ilocos Norte, atIntensity II namansa Bacarra, Ilocos Norte.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matatandaang tumama ang 7.0-magnitude na lindol sa northern Luzon nitong Miyerkules kung saan ang sentro nito ay sa Tayum, Abra.

Sa datos ng Phivolcs nitong Linggo, aabot na sa 1,662 ang aftershocks ng naturang pagyanig.