Aprubado na ng pamahalaan ang badyet para sa 2nd tranche ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“As of yesterday, I was informed by our finance management service na mukhang aprubado na rin ang second tranche,” pagbibigay-diin DSWD Erwin Tulfo sa isang pagpupulong nitong Huwebes.

“So, another two months na naman po yata ang i-release ng DBM para po diyan sa TCT (Targeted Cash Transfer) nanaipangakoni dating Pangulong Duterte,” ayon sa kalihim.

Nauna nang inihayagng ahensya na tatanggalin na nila ang 1.3 na benepisyaryo ng 4Ps bilang bahagi ng "paglilinis" sa listahan ng programa.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ipinaliwanag din ng kalihim na pinag-aaralan na nilanggawing digitize ang pamamahagi ng cash assistance.

“Hindi na talaga manu-mano na cash ang ibibigay natin kundi ang gagawin natin ay QR-codes na lang. Ipapadala namin sa cellphone ang QR codes,” dagdag pa ng opisyal.