Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ng Kanlaon Volcano matapos maitala ang 20 na pagyanig sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ito ang inihayag ng Phivolcs nitong Sabado at sinabing mga kahalintulad na "tornillo-typed volcanic earthquake" ay karaniwang nagreresulta sa phreatic explosion.

Nakapagbuga na ng 151 toneladang sulfur dioxide ang bulkan simula Mayo 1.

Nanawagan din ang Phivolcs sa publiko na huwag magtangkang lumapit o pumasok safour-kilometer radius permanent danger zone(PDZ) dahil sa panganib ng bulkan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ipinaiiralparin ang Level 1 na alert status sa bulkan.

Nitong nakaraang linggo, nagbabala si Phivolcs officer-on-charge Renato Solidum, Jr. na posibleng magkaroon ng phreatic explosion kapaglumala ang pag-aalburotong bulkan.