Nakumpleto na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang 7 days isolation nito laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), ayon sa pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes.

"Ok na po as of his doctor’s findings yesterday. Tapos na rin po ang isolation niya," pagpapaliwanag ni Cruz-Angeles nang kapanayamin ng mga mamamahayag kaugnay ng sitwasyon ni Marcos matapos mahawaan ng virus nitong Hulyo 8.

Hindi naman binanggit ni Cruz-Angeles kung mayroong face-to-face engagements si Marcos nitong Hulyo 15.

Matatandaangpangunahan pa rin ni Marcos ang kanyang ikalawang Cabinet meeting nitong Martes sa pamamagitan ngvideoconferencing.

Bukod dito, pinulong din nito ang mga opisyal ngDepartment of Agriculture (DA) at National Economic and Development Authority (NEDA).

Nitong Miyerkules, isinapubliko ng Malacañang na hindi na nakararanas ng mga sintomas ng sakit ang Pangulo. Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ito ng kanyang doktor na si Samuel Zacate na kailangang tapusin nito ang pitong araw na isolation alinsunod na rin sa protocol ng Department of Health (DOH).

Noong 2020, unang tinamaan ng Covid-19 si Marcos, gayunman, nakarekober pa rin ito.