May 79 pang karagdagang Omicron subvariants ng COVID-19 na natukoy ang Department of Health (DOH) sa Pilipinas.

Sa isang pulong balitaan nitong Martes, iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang mga bagong kaso ng sakit na naitala mula Hulyo 7 hanggang 11, ay kinabibilangan ng 60 BA.5 cases, 17 na BA.2.12.1 cases, at dalawang BA.4 cases.

Sa mga bagong BA.5 infections, 58 ang mula sa Western Visayas, isa ang mula sa Davao Region at isa ang mula naman sa Soccsksargen.

Isa sa mga ito ang kumpirmadong hindi bakunado ngunit inaalam pa ang vaccination status ng 59 na iba pa habang hindi pa rin batid ang exposure at travel histories ng mga pasyente.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Isa sa mga pasyente ang nakakaranas umano ng mild symptoms ng sakit habang tinutukoy pa rin ang disease severity ng 59 na iba pa.

Anang DOH,43 sa mga bagong kaso ng BA.5 ay nakarekober na, 14 ang naka-isolate pa rin habang hindi pa batid ang kalagayan ng iba pa.

Mula naman sa 17 karagdagang kaso ng BA.2.12.1,nabatid na anim ang mula sa Western Visayas, 10 ang mula sa Davao Region, habang isa ang returning overseas Filipino (ROF).

“At the moment, the vaccination status, exposure of individuals, and travel histories are being verified,” anang DOH.

Ang 15 sa kanila ay gumaling na mula sa sakit habang dalawa pa ang naka-isolate.

Sa dalawang kaso naman ng BA.4, nabatid na ang isa ay fully-vaccinated habang ang isa pa ay hindi naman bakunado.

Isa sa kanila ang mula sa Davao Region habang galing naman sa Soccsksargen ang isa pa.

Hindi pa batid ang exposure at travel histories ng mga pasyente, ngunit nakitaan lamang anila ang mga ito ng mild symptoms ng sakit at kapwa nakarekober na.