Halos dumoble ang ibinugang sulfur dioxide ng Bulusan Volcano sa Sorsogon sa nakaraang 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa pahayag ng Phivolcs nitong Sabado, nasa 1,155 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan nitong Hulyo 8, halos doble kung ikukumpara sa ibinugang 632 tonelada nitong Hulyo 6.

Nakapagtala rin ang Phivolcs ng limang pagyanig nitong Biyernes ng madaling araw.

Nakitaan din ito ng pagbuga ng usok na umabot sa 100 metro mula sa tuktok ng bulkan. Napadpad ang usok sa hilaga-hilagang kanlurang bahagi ng Bulusan Volcano.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Isinailalim pa rin sa alert level 1 ang bulkan kaya ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone (PDZ) dahil posible itong magbuga ng nakalalasong usok.