Nakapagtala nang 41 na pagyanig sa palibot ng Kanlaon Volcano simula Hunyo 30.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo ng hapon, kabilang sa naitala ang pitong mahihinang tornillo signals na may kaugnayan sa volcanic gas movement sa mga bumukang bahagi ng paanan ng bulkan.

Nakitaan din ng Phivolcs ng pamamaga sa dalisdis ng bulkan mula pa noong Enero na senyales ng bahagyang pagtindi ng pag-aalburoto nito.

“These are consistent with continuous electronic tilt recording of inflation of southeastern flanks since mid of March 2022.The increased seismic activity and short-term ground deformation are likely caused by the shallow hydrothermal processes beneath the edifice that could generate phreatic or steam-driven eruptions from the summit crater,” babala ng Phivolcs.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Ipinaiiralpa rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Kanlaon.

Binalaan pa rin ng Phivolcs ang publiko na huwag nang lumapit o pumasok sa 4-kilometerradius Permanent Danger Zone (PDZ) mula sa bulkan dahil sa bantangphreatic eruptions nito