Nanawagan ang isang law professor na unahin munang resolbahin ni Pangulong Ferdinand Marcos. Jr. ang korapsyon sa Bureau of Customs (BOC) at umano'y agricultural smuggling sa bansa.
"Sa tingin ko 'yan ang unang-una niyang dapat tingnan. Bilang pangulo paano niya sasawatain ang corruption sa Bureau of Customs. From the get-go matindi ang corruption diyan," pahayag ni law professor Edward Chico nang kapanayamin sa telebisyon nitong Sabado.
Ang panawagan ni Chico ay kasunod na rin ng inilabas na Senate report na nagsasabing sangkot umano sa smuggling ang tatlong opisyal ng Department of Agriculture (DA), limang opisyal ng BOC at dalawang local official.
Matatandaang umapela kay Marcos si dating Senate President Vicente Sotto III na balasahin ang mga opisyal ng DA sa gitna ng kontrobersya.
Kamakailan, sinabi mismo ni Marcos na hahawakan muna nito ang DA at nangakong hahabulin ang mga sangkot sa smuggling