Rumagasa ang lahar ng Bulkang Bulusan sa gitna ng malakas na ulan nitong Linggo ng gabi.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 7:04 ng gabi nang magsimulang gumapang ang lahar at tumagal ito ng halos isang oras.

Isinisi naman ito ng Phivolcs sa naranasang malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Sorsogon."Ocular investigation by the Bulusan Volcano Observatory confirmed thin channel-confined lahar deposits along Calang Creek in Barangay Cogon, Irosin, the major channel draining the southwestern slopes of Bulusan," banggit pa ng Phivolcs.

Paliwanag naman ng Phivolcs nitong Lunes, nakapagtala sila ng pitong volcanic earthquake na sanhi ng paggalaw o pagputok ng magma mula sa bulkan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Naitala rin ng ahensya ang pagbuga ng usok ng bulkan na umabot sa 150 metro.

Ipinaiiralpa rin ang Alert Level 1 sa Bulusan Volcano.

Huling pumutok ang bulkan noong Hunyo 12 at naapektuhan nito ang ilang bayan dahil sa ibinugang makapal na abo.