May 07, 2026

Home BALITA Internasyonal

Iranian president, dumepensa kay Pope Leo XIV

Iranian president, dumepensa kay Pope Leo XIV
Photo courtesy: AP Photo, POPE LEO XIV/FB


Nagpaabot ng pagsuporta si Iranian President Masoud Pezeshkian kay Pope Leo XIV, matapos itong makatanggap ng mabibigat na mga salita mula kay United States (US) President Donald Trump kamakailan.

Kaugnay ito sa banat ni Trump sa Santo Papa, kung saan sinabi niyang mahina raw ito sa usaping krimen at foreign policy.

“Pope Leo is WEAK on Crime, and terrible for Foreign Policy,” saad ni Trump sa kaniyang pahayag.

MAKI-BALITA: Trump, binira si Pope Leo XIV matapos manawagan ng kapayapaan

Sa isang X post na ibinahagi ni Pezeshkian noong Lunes ng gabi, Abril 13 (oras sa Pilipinas), kinondena niya ang aniya’y pang-iinsulto ni Trump sa lider ng Simbahang Katoliko.

“His Holiness Pope Leo XIV, I condemn the insult to Your Excellency on behalf of the great nation of Iran,” saad ni Pezeshkian sa kaniyang X post.

“…and declare that the desecration of Jesus, the prophet of peace and brotherhood, is not acceptable to any free person,” pagpapatuloy ng Iranian president.

Hiniling niya rin kay Allah ang kaluwalhatian para kay Pope Leo XIV.

“I wish you glory by Allah,” pagtatapos ni Pezeshkian.

Samantala, idiniin naman ng Santo Papa na hindi siya natatakot sa administrasyong Trump, at wala raw siyang intensyon na makipagdebate sa Pangulo ng Amerika. Giit niya, ang panawagan lamang daw niya ay kapayapaan.

“I continue to speak strongly against war, seeking to promote peace, dialogue and multilateralism among states to find solutions to problems,” saad ni Pope Leo XIV sa isang pahayag noong Lunes, Abril 13 (oras sa Pilipinas).

Anang Santo Papa, “I’m not afraid of the Trump administration or speaking out loudly of the message of the gospel, which is what I believe I am here to do, what the church is here to do.”

KAUGNAY NA BALITA: ‘Enough of war!’ Pope Leo XIV, ipinanawagan tigil-giyera sa Middle East

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag si Trump kaugnay sa pagdepensa ng Iran kay Pope Leo XIV.