Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ng DPWH ang pagkukumpuni nito sa mga sumusunod na kalsada sa ganap na alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Hunyo 24.
Kabilang sa mga isasaayos ang EDSA Santolan SB San Juan City innermost lane (bus way) mula sa EDSA Guadalupe MRT Station patungong Orense Street (malapit sa MMDA);
EDSA NB Quezon City sa Santolan MRT Station (EDSA Carousel bus lane) paglampas ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora tunnel (3rd lane buhat sa center island fast lane) pagkatapos ng Aurora Blvd. New York (3rd lane buhat sa island, intermittent section) pagkalampas ng Kamuning /Kamias Road hanggang JAC liner Bus Station katabi ng center island;
C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City; Batasan Road Sampaguita St., hanggang IBP San Mateo Road (inner lane) at bago IBP San Mateo Road intersection (outer lane);
Visayas Avenue Southbound Road 10 Elliptical Road (2nd lane) mula sa plant box;
C-5 Road Pasig City sa Pasig Blvd. Southbound malapit sa Chooks To Go Pineda at sa Doña Julia Vargas harapan ng Sitel bldg.;
at EDSA-Quezon City Southbound Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge.
Bubuksan sa mga motorista ang mga apektadong kalsada sa Lunes, Hunyo 27 sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.