Nakatakda sa Linggo, Hunyo 19, ang inagurasyon ni outgoing Davao City Mayor Sara Duterte bilang ika-15 na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Kaugnay nito, sinabi niya na iiklian lamang niya ang kaniyang inaugural speech.

Inihayag ni VP-elect Duterte nitong Sabado, Hunyo 18, na siya mismo ang sumulat ng kaniyang inaugural speech.

"It's almost ready, ako ang sumulat ng speech, last paragraph na lang ata ang kulang doon," aniya. 

"It will be the shortest. We want it to be the shortest inaugural speech for a vice president because we cannot control the weather, so we do not know what will happen the next minute in terms of the weather," dagdag pa niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Naka-focus daw ang kaniyang speech sa mga mensaheng ibinahagi niya noong kampanya.

"It will be very short, and it will focus on the messages that I gave during the campaign, reiterating what we should do as a country."

Ayon pa sa VP-elect, ang kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman ang hahawak ng Bibliya habang nanunumpa kay Supreme Court justice Ramon Paul Hernando sa San Pedro Square sa Davao City.

Nakatakda umupo si Duterte sa Hunyo 30, kasabay ng pag-upo ng kaniyang running mate na si President-elect Bongbong Marcos.