Tinamaan ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (Covid-19) siSupreme Court (SC) Associate Justice Maria Filomena Singh.

Sa kabila ng pagigingfully-vaccinated at nabigyan na rin ng booster shots, natuklasang nahawaan pa rin ng Covid-19 si Singh nitong Miyerkules, Hunyo 15.

Sa pahayag ng Public Information Office ng Korte Suprema, dumanas ng mild symptoms si Singh kaya inabisuhannito kaagad ang kanyang mga kasamahan at staff.

Si Justice Singh, na itinalagang ika-15 miyembro ng SC noong May 18, ay dumalo sa kanyang unang full court session nitong Martes, Hunyo 14.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Bunsod nito, nag-self-quarantine na ang iba pang mahistrado na dumalo sa nasabing sesyon at isasailalim sa pagsusuri pagkatapos ng kanilang incubation period.

Gayunman, wala sa iba pang mahistrado at kawani ang nagpapakita ng anumang sintomas hanggang nitong Huwebes ng umaga.