Tumindi pa ang pag-aalburotong Bulusan Volcano sa Sorsogon matapos maitala ang 178 na pagyanig nito sa nakalipas na 24 oras.

Sa pahayag ngPhilippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Sabado, Hunyo 11, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa naitala nitong Biyernes na umabot lamang sa 149 na pagyanig.

Bukod sa paglindol,nagbuga rin ng 613 tonelada ng sulfur dioxide ang bulkan nitong Hunyo 10.

Umabot naman ng 150 metro ang ibinugang usok nito na napadpad sa kanluran-hilagang kanluran ng bulkan.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Matatandaangnaapektuhan ang mga residente sa lugar nang magkaroon ng ashfall na dulot ng phreatic eruption ng bulkan nitong Hunyo 5.

Ipinaiiralpa rin ang Alert Level 1 sa bulkan na nangangahulugang posible pa rin itong pumutok sa mga susunod na araw.

Ipinagbabawal din ang pagpasok safour-kilometer-radius of the Permanent Danger Zone (PDZ) dahil na rin sa panganib ng Bulusan Volcano.