Patay ang dalawang indibidwal kabilang ang isang 7-taong gulang na babae sa naganap na sunog sa isang residential area sa Taguig City nitong Mayo 27.

Kinumpirma ng Taguig City Bureau of Fire Protection na namatay sa insidente ang mga biktima na kinilalang sina Eduard Carimat, 38; at Maria Eloisa Jazz Fuentes, 7-anyos.

Ayon sa imbestigasyon nina SFO2 Ana Joy Parungao at SFO2 Reward Abucay, ang sunog ay sumiklab sa inuupahang bahay ng pamilya Fuentes sa 471, Purok 6, MLQ Street, Brgy. Bagumbayan, Taguig City, dakong 10:40 ng gabi nitong Biyernes.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng naturang paupahang bahay na pagmamay-ari ng isang Alex Pallanan.

Internasyonal

Madir ng empleyadong namatay dahil ‘overworked’ kinalampag ang boss, ‘di nagpunta sa funeral

Mabilis na rumesponde ang 11 na fire trucks  kung saan umabot sa unang alarma ang sunog sa lugar at tuluyang naapula bandang 11:09 ng gabi.

Tinatayang P30,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy.

Patuloy pang inaalam ng arson investigators ang sanhi ng nasabing sunog.