Hindi dapat ikaalarma ang tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.
Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, umabot na sa 22,277 kaso ng dengue ang naitala mula Enero hanggang Abril 30, mas mababa ng 15 porsyento sa kaparehong panahon noong 2021.
Aniya, karamihan sa kaso ay naitala sa Central Visayas (2,905), Central Luzon (2,858) at sa Metro Manila (2,339).
Gayunman, nakapagtala ang DOH ng 126 na namatay sa dengue sa buong bansa.
"Yes manageable ang cases...medyo tumaas lang ng konti nung week 12 to 16," lahad ni Cabotaje.
Ayon pa sa DOH, posibleng dulot ito ng madalas na pag-ulan at nakaimbak na tubig sa nakaraang summer season.